Wednesday, March 11, 2026

GRAND FIESTA ZUMBA, ISINAGAWA SA ALAMINOS CITY

Naging masigla at puno ng enerhiya ang isinagawang Grand Fiesta Zumba bilang bahagi ng pagdiriwang ng taunang kapistahan ng Alaminos City.

Pinangunahan ang aktibidad, na 100 Islands Zumba Para Sa Lahat, kung saan sama-samang nakilahok ang mga residente upang makiisa sa masayang Zumba session na naghatid ng saya, sigla, at kalusugan sa komunidad.

Bukod sa pagiging bahagi ng selebrasyon, layunin din ng programa na hikayatin ang mga mamamayan na maging aktibo at pangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng regular na ehersisyo.

Ayon sa mga tagapag-organisa, ang mga ganitong gawain ay nagpapakita ng patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan ng mga programang nagtataguyod ng malusog na pamumuhay at pagkakaisa ng komunidad sa gitna ng pagdiriwang ng kapistahan ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments