Greater Manila area at iba pang rehiyon na malalaki ang populasyon, binabantayan ng OCTA kasunod ng pagbilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR

LEAD: Greater Manila area at iba pangBinabantayan ngayon ng OCTA Research Group ang ilang probinsya sa labas ng National Capital Region kasunod ng naitalang pagtaas ng COVID-19 reproduction number sa rehiyon.

Nabatid na mula sa 0.90 ay tumaas sa 1.05 ang bilis ng hawaan sa NCR.

Ibig sabihin, may aktibong hawaan ng COVID-19 sa komunidad pero nananatili naman itong mabagal ayon sa OCTA.


Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Butch Ong na mahalaga ring mabantayan ang mga rehiyon na may malalaking populasyon dahil dito mas mataas ang tiyansang kumalat ang virus.

Bukod sa reproduction number, tumaas din ang positivity rate sa NCR sa 1.3% mula sa dating 1.1%.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Ong na payagan na rin ang pagtuturok ng second booster dose sa general public upang mas marami ang mabigyan ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19 at sa mga Omicron subvariant.

Facebook Comments