SBP, dismayado rin matapos mabigo ang Gilas Pilipinas na makuha ang gold medal sa SEA Games

61

Dismayado ang Samahang Basketbol Ng Pilipinas sa resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Ito ay matapos na mabigo ang Gilas na makuha ang gintong medalya at mapanatili ang paghahari sa SEA Games basketball nang talunin ng Indonesia.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, humihingi sila ng paumanhin sa mga Pilipinong basketball fans dahil hindi nila naibigay ng buo ang suporta para sa ating national team.


Kasunod nito, tiniyak naman ni Panlilio na babawi ang Pilipinas sa mga susunod na kompetisyon.

Facebook Comments