Naantig ang puso ng mga netizen sa asong naghintay ng isa’t kalahating taon sa kaniyang amo sa isang shrine sa Nafpaktos, Greece.
Binansagan namang “Greek Hachiko” ang aso na nag-antay ng 18 na buwan na lingid sa kaalaman nito ay namatay na pala sa isang car crash accident.
Ayon sa awtoridad, maraming nag-ampon sa aso ngunit patuloy pa rin itong tumatakas at bumabalik sa pinangyarihan ng aksidente ng kaniyang amo.
Si Haris, 40 taong gulang, ay namatay noong Nobyembre 2017 na ikinagulat ng mga tao sa nayon dahil sa aksidente nito na pareho sa kaniyang kapatid.
Namatay ang magkapatid na hindi nalalayo sa kanilang mga bahay at hindi inaasahang parehong sinapit na kapalaran.
Dahil sa paulit-ulit na pagbalik ng aso sa shrine, dinadalhan na lamang siya ng mga tao ng pagkain at tubig araw-araw. Ginawan din siya ng tirahan ng mga residente dahil ayaw nito umalis.