Green Energy Auction Reserve o GEAR prices para sa mas mura at malinis na kuryente, itinakda ng ERC

Nagtakda ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng Green Energy Auction Reserve (GEAR) prices para sa mga planta ng kuryente na itatayo o kasalukuyang itinatayo at gagamit ng renewable energy.

Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, layon nito na mapagaan ang pasanin ng mga konsyumer lalo pa’t isinusulong nila ang paggamit ng renewable energy bilang alternatibo at mas ligtas na source ng enerhiya.

Aniya, consistent ang GEAR prices sa notice of auction na una nang ipinatutupad ng Department of Energy (DOE) at mas mababa naman ito sa kasalukuyang Power Supply Agreements o PSA upang makahikayat ng mas maraming bidder.


Una nang inihayag ng DOE na nagtakda ito ng deadline sa ERC para aprubahan ang GEAR prices para sa bidder ng renewable energy power plants.

Sa ilalim din ng naturang price cap, hindi papayagan ng Komisyon ang anumang pagtataas sa presyo o anumang adjustment sa presyo ng kuryente tulad ng inflation at foreign exchang na ipapasa naman sa mga konsyumer.

Facebook Comments