Green Lanes para sa mga Biyahero, Ibinalik ng Cauayan City Government

Cauayan City, Isabela- Binuksan na muli ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang Green lanes para sa mga fully vaccinated individuals na uuwi sa lungsod sa pamamagitan ng land travel at inbound flights.

Alinsunod sa Executive Order No. 85 -2021 na pirmado ni Mayor Bernard Faustino Dy.

Base sa kautusan, kailangan ipresenta ng isang biyahero ang 48-hour Negative RT-PCR o Antigen test result.


Pero kung ang indibidwal ay fully vaccinated na ay hindi na kakailanganin ang mga nabanggit na requirements at tanging ipresenta lang ang vaccination status.

Kaugnay nito, ikinokonsidera naman na fully vaccinated ang isang indibidwal kung mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan nang matanggap ang ikalawang dose kontra COVID-19.

Kasama rin ang mga nakatanggap ng unang dose ng bakuna sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa kabila nito, kailangan pa rin na sumailalim sa mandatory triage para masigurong walang sintomas ng COVID-19 at masuri ang dala-dalang dokumento.

Facebook Comments