Matagumpay na isinagawa sa bayan ng Lingayen ang isang Groundbreaking Ceremony para sa panibagong pasilidad na ito para sa mga magsasaka maging ng ibang mga negosyante sa bayan.
Ito ang pasilidad na Regional Food Terminal na naka-disenyo para sa mga naghahanap-buhay gaya na lamang ng mga lokal na magsasaka, mangingisda, at prodyuser na upang ibenta ang kanilang mga produkto sa mga mamimili kung saan ang isang lugar na ito ay madali nang mapupuntahan ng mga kababayan maging sa mga karatig bayan.
Ang pagtatayo umano ng pasilidad na ito ay maaaring magdala ng maraming benepisyo sa mga nabanggit na makakagamit nito lalong-lalo na sa kanilang paghahanap-buhay at upang hindi na mahirapan sa pagtitinda ng walang pwesto.
Isa pang layunin na ito ay upang magbigay ng isang ligtas, maayos, at organisadong lugar sa pagbebenta ng mga produkto.
Sa pamamagitan nito, ang kanilang mga produkto ay maaaring masigurado na sariwa at kalidad ang kanilang mga paninda para sa mga konsyumer.
Sa naturang ceremonial groundbreaking, dumalo ang mga opisyales ng bayan ng Lingayen maging ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan upang magpakita at magbigay ng suporta sa pagong pasilidad na ito na lubhang makakatulong sa mga residente ng bayan. |ifmnews

Facebook Comments