Taguig City – Kasalukuyang ginaganap ang groundbreaking ceremony para sa itatayong gusali ng Senado sa mahigit 1.8 ektaryang lupain sa loob ng Philippine Navy Village sa Fort Bonifacio, Taguig.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Senate President Tito Sotto III, kasama sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon at sina Senators Panfilo Ping Lacson, Loren Legarda, Nancy Binay, Sonny Angara, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Gringo Honasan at JV Ejercito.
Present din sa event ang mga opisyal ng BCDA at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang lupain ay binili ng Senado sa Bases Conversion Development Authority o BCDA.
8.9 billion pesos ang inilaang pondo para sa pagtatayo ng Senate building na target itong matapos sa 2021.
Ito ay bubuuin ng 4 towers na may 11 palapag bawat isa at 3 basement para na gagamiting parking area.
Sa ngayon ay umaabot na sa 2.24 billion pesos ang halagang naibabayad ng Senado sa pag-upa sa gusaling pag-aari ng Government Service Insurance System o GSIS at parking area na pag-aari naman ng Social Security System o SSS simula pa noong 1996.