Manila, Philippines – Aarangkada na ang groundbreaking ng Metro Manila Subway Project sa susunod na linggo, February 27.
Ang groundbreaking ang hudyat ng pagsisimula ng ₱357 billion peso project sa ilalim ng Build Build Build Infrastructure Program ng Duterte administration.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade – ang proyekto ang kauna-unahang underground railway system.
Nasa Japan si Tugade ngayong linggo para inspeksyunin ang tunnel boring machine na gagamitin sa proyekto.
Ang tunnel boring machine ay ginagamit sa paghuhukay ng tunnel sa pamamagitan ng circular cross section mechanism.
Ang Metro Manila Subway ay 35-kilometer railway line na may 15 istasyon mula Quirino Highway sa Quezon City hanggang NAIA Terminal 3 sa Pasay at Arca South sa Taguig.
Magkakaroon ito ng partial operations sa 2022 kung saan tatlong istasyon ang unang bubuksan habang ang full operations ay inaasahang makukumpleto sa 2025.