GROUNDED WIRES, ISANG DAHILAN SA PAGTAAS NG BILL SA KURYENTE AYON SA DECORP

Isa umano sa nakikita ng Dagupan Electric Corporation o DECORP na dahilan sa pagtaas sa bill ng kuryente ay ang mga grounded wires na hindi napapansin ng mga konsyumer sa kani-kanilang mga tahanan.
Ayon kay Randy Castillan, ang Legal Counsel Officer ng DECORP, responsibilidad ito ng bawat owner ng bahay na suriin ang mga sirang kable sa kanilang tahanan, dahil malakas ang mga grounded wires ay malakas humatak sa konsumo sa kuryente.
Maaari ding maging sanhi ng sunog ang mga sirang kable kapag hindi ito agad na naipaayos.

Dagdag pa nito, maswerte pa umano ang mga konsyumer ng ahensya dahil hindi lamang sa Coal umaasa ang DECORP upang makakuha ng kuryente kundi pati na rin sa Hydro Powerplant dahil sila ay miyembro ng Wholesale electricity Market.
Sa ngayon, hinihikayat ang lahat ng konsyumer na i-check ang mga kable ng kuryente upang hindi mabigla sa bill ng kuryente kapag oras na naman ng bayaran. | ifmnews
Facebook Comments