Estado ng GRP-NDF Peace Talks, Tinalakay sa Cauayan City.

Cauayan City- Matagumpay na pinangunahan ng International Alert-Philippines ang ginawang pagtalakay sa GRP-NDF Peace Talks kahapon sa Conference Hall ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Brgy. San Fermin Cauayan City Isabela.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan naman ng iba’t-ibang mga peace advocates gaya ng Patriotic Action for Democracy Empowerment and Reform (PADER), Rebel Returnees, Churches Group at mga indibidwal na mula pa sa mga coastal areas sa lalawigan ng Isabela.

Sa ginawang panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Rene Navata, Representative ng International Alert, sinabi nito na mandato umano ng alert na ang peace process ay hindi lamang usapin ng dalawang nag uumpugang bato kundi dapat ay usapin din ng mamamayan dahil aniya sa bandang huli ay mamamayan dinang magkakaroon ng oportunidad kung magiging matagumpaay ang isinusulong na peace process.


Samantala, naniniwala pa si Navata na ang peace process ay isa umanong paraan upang abutin ang tagumpay sa pamamagitan ng mapayapa at maayos paraan.

Isa pa umano itong instrument upang mapalawak at mapalalim ang pang-unawa ng mga mamamayan lalo na sa lalawigan ng Isabela tungkol sa mga benepisyo na maaaring idulot ng naturang peace talks.

Panawagan naman ni Navata na ngayon at mayroon ng pagkakataon para maipahayag ang mga kuru-kuro at mga kaisipan tungkol sa peace process ay gawan na ito ng paraan para matipon ang mga kaisipan at maiparating sa magkabilang panig na sangkot sa peace process.

Facebook Comments