Hindi nakaporma ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa na magsasagawa sana ng kilos-protesta sa harapan mismo ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito’y matapos na buwagin at itaboy sila ng Civil Disturbance Unit ng Manila Police District (MPD) palabas ng Intramuros sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa MPD, walang hawak na permit ang mga grupo ng manggagawa kaya hindi sila pinayagan na makapagdaos ng kilos-protesta sa harapan ng DOLE.
Bitbit ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) kasama ang iba pang grupo ng mga manggagawa, bitbit ang mga plakard kung saan nakasulat dito ang kanilang mga hinaing partikular na ang trabaho, sahod at karapatan na nais nilang ipaglaban.
Paliwanag naman ng grupo, may isang leader ng manggagawa silang papasok sa tanggapan ng DOLE na makikipag-usap kay Labor Secretary Silvestre Bello III para pag-usapan ang mga kinakaharap na isyu at iba pang hinaing ng mga manggagawa ngayong may COVID-19 pandemic.