Grupo ng mga eksperto, umapelang paramihin pa ang mababakunahan sa hanay ng A1 hanggang A3 priority groups

Umapela ang Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPACC) sa pamahalaan na paramihin pa ang mababakunahan sa A1 hanggang A3 priority groups bago simulan ang pagbabakuna sa mga kabataan.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari ng gamitin ang Pfizer vaccine sa mga 12 hanggang 17 anyos.

Ayon kay Dr. Carine Alejandria ng HPACC, ang mga nakakatanda at mga indibidwal na may sakit ay maituturing na mas vulnerable sa COVID-19.


Aniya, mas mataas ang bilang ng mga nao-ospital kapag walang proteksyon laban sa virus ang mga ito.

Giit ni Alejandria, kapag ang mga senior citizen at person with cormobidity ang unang mabakunahan, mas bababa ang mga mao-ospital at mamamatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments