Nanawagan ngayon ang grupo ng mga guro kay Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin na ang kaniyang pangako na dagdag sahod.
Ayon sa Alliance of Concern Teachers o Act Philippines, hindi na sapat ang tinatanggap na sahod na mahigit P20, 000.00 ng mga teacher 1 lalo na’t patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin at gastusin.
Sinabi din ni Jocelyn Martinez, National Chairperson ng Act Philippines, minsan ay nag-aabono pa daw ang mga guro sa gastos sa loob ng silid paaralan at 75 percent sa kanila ay nababaon na din sa utang.
Tatlong taon na din ang nakakalipas ng binitawan ng Pangulong Duterte ang kaniyang pangako pero hanggang ngayon ay pinapaasa pa din sila sa wala.
Umaasa naman si Benjo Basas, National Chairperson ng Teachers Dignity Coalition na maaaprubahan na din ng kongreso ang budget para sa kanilang dagdag sahod lalo na’t hirap makaahon ang mga guro sa kasalukuyang pamumuhay.