Grupo ng mga guro, nanawagan ng 2 week “health break” sa mga paaralan na nasa ilalim ng Alert Level 3

Umapela ang Alliance of Concerned Teachers sa pamahalaan na magpatupad ng dalawang linggong “health break” sa mga paaralan na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Ito ay sa gitna ng muling tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio, 55.1% mula sa 7,448 na pampublikong guro sa National Capital Region (NCR) ang nakararanas ng sintomas ng COVID-19.


Sa nasabing bilang, 84.7% ang patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng nararanasang sintomas at 76.2% ang nagsabing wala silang natanggap na tulong o suporta mula sa kanilang eskwelahan.

Maliban dito, bumaba rin aniya ang class participation ng mga mag-aaral dahil karamihan sa kanila ay nakakaranas ng lagnat.

Nauna nang sinabi ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na ilang higher education, colleges at universities ang nagdeklara na ng “health breaks.”

Facebook Comments