Bilang ng mga Pilipinong hindi pa bakunado kontra COVID-19, nasa 30 million pa

235

Umaabot pa sa 28 hanggang 30 million na mga Pilipino ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, kasama sa nasabing bilang ang tatlong milyong senior citizens o mga nasa edad 60 pataas.

Muli namang nanawagan si Nograles sa publiko na magpabakuna na at mag-avail ng booster shot sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.


Sa ngayon, aabot na sa 52.8 million na Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang nasa 3.5 million ang nakatanggap na ng booster shot.

Facebook Comments