COMELEC, naglabas ng bagong tentative list ng mga kandidato sa May 2022 elections

105

Muling naglabas ang Commission on Elections (COMELEC) ng tentative list ng mga kandidato para sa May 2022 Election.

Batay sa COMELEC, aabot na lamang sa sampu ang kandidato sa pagkapangulo matapos alisin ang independent presidential bet na si Gerald Arcega.

Nananatili naman sa siyam ang bilang ng vice presidential aspirants habang 64 pa rin ang nasa listahan ng mga kakandidatong senador.


Sa ngayon, wala pang pahayag ang COMELEC kung kailan ilalabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa eleksyon.

Facebook Comments