
Tutol ang grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya sa planong magtatag ng Manila Bay Development Authority (MBDA).
Kasunod ito ng pag-arangkada ng talakayan sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ng House Bill Nos. 2663 at 6122 na naglalayong itatag ang MBDA.
Ayon sa grupo, hindi na kailangan ang hiwalay na ahensya sa Manila Bay samantalang mayroon nang inter-agency na dapat ay nangangasiwa sa pangangalaga at rehabilitasyon ng Manila Bay.
Tinutukoy ni Arambulo ay ang 13-agency na Manila Bay Task Force na nilikha noong 2019 para isagawa ang mandamus ng Korte Suprema noong 2008 na linisin at i-rehabilitate ang Manila Bay.
Pinuna rin ng grupo ng mga mangingisda ang isang probisyon sa panukalang batas na naglalayong maghanda at magpatupad ng komprehensibong plano para sa malawakang relokasyon ng Informal Settler Families sa Manila Bay.