Grupo ng mga OFWs, nananawagan sa DFA na tulungan silang magpadala ng liham sa mga sundalo sa Marawi

Manila, Philippines – Nananawagan ang grupo ng mga Overseas Filipino Workers ng tulong mula sa Department of Foreign Affairs upang maipaabot ang kanilang mga postcards at suporta sa mga sundalong nakikipagbakbakan ngayon sa Marawi City.

Sinabi ni Susan Ople, Presidente ng Ople Policy Center, kahit sa ganitong pamamaraan man lamang ay maipabot nila ang kanilang pagsuporta sa mga sundalong nakikipaglaban sa Maute group, at nang makatulong narin sa pagpapataas ng moral ng mga ito.

Ayon kay Ople, malaking papel ang gagampanan ng Department of Foreign Affairs dito upang matiyak na makakarating sa mga sundalo ang kanilang mga liham.


Kaugnay nito, nananawagan rin ang grupo sa Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), na tanggapin ang mga shoebox donation na magmumula sa pamilya ng mga OFWs na naglalaman ng mga school supplies para sa mga kabataang nagsilikas mula sa Marawi.

Una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) kaugnay sa pagpapadala ng mga postcards at liham sa mga sundalong nakikipaglaban sa Marawi.

Facebook Comments