Cauayan City, Isabela- Umaasa ang grupo ng mga tsuper ng pampublikong traysikel na mabibigyan rin sila ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Cauayan.
Ito ay sa kabila ng patuloy na nararanasang pagsipa sa presyo ng produktong petrolyo mula sa pandaigdigang merkado.
Laking tulong sa kanilang grupo ang pagbabalik sa 100% passenger capacity sa kanilang pamamasada upang maibsan ang kanilang pagkadismaya sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Isa naman sa ikinatutuwa ng mga tsuper ang tila ramdam ng ilang pasahero ang kanilang sitwasyon kaya’t marami ang pinipiling magbayad na lamang ng 15 pesos mula sa orihinal na 13 pesos na pamasahe.
Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang grupo ng mga tsuper na maibabalik na sa normal ang kanilang pamamasada sa kabila ng tuloy-tuloy na pagbaba ng kasong tinatamaan ng COVID-19 sa buong Isabela.
Facebook Comments