PAMUNUAN NG 86th IB, KINILALA ANG AMBAG NG ILANG AHENSYA NG GOBYERNO

Cauayan City, Isabela- Kinilala ng pamunuan ng 86th Infantry Battalion Philippine Army ang naging kontribusyon ng ilang ahensya ng gobyerno bilang katuwang sa kanilang mga programa.

Ito ay matapos daluhan ng mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan sa Provincial Capitol Cabarroguis, Quirino.

Layunin ng programa ang pasalamatan ng mga ahensya na tumutulong sa kanilang pagbibigay ng programa sa dating mga rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan na makakatulong kanilang kabuhayan.

Ilan nga sa mga katuwang ng kasundaluhan TESDA Quirino, at ang DOLE field office kung saan ay nagsasagawa sila ng mga programa na gaya ng Livelihood Training Program.

Samantala, nasa labing pito (17) ang Barangay Drug-Cleared sa lugar.

Facebook Comments