Grupo nina Daniel Padilla at Paul Salas, nagkahamunan sa twitter

Showbiz – Nagkahamunan ang grupo nina Daniel Padilla at Paul Salas nang dahil sa basketball.

Matatandaan kasi na nagkaroon ng komosyon sa Star Magic Basketball sina JC de Vera at Daniel kung saan nagkomento dito si Paul na masyadong sensitive si Daniel.

Dahil dito, nagkasagutan ang magkabilang grupo at nagkahamunan ng laro sa basketball.


Nakisawsaw din dito ang partner ni Daniel na si Kathryn Bernardo maging ang aktres na si Barbie Imperial kaya’t lalong lumaki ang sigalot.

Facebook Comments