Lotion na kayang patulugin ang mga taong may insomnia, ibinebenta sa United Kingdom

Panghimagas – Isang kakaibang lotion ang ibinebenta ngayon para sa mga taong nakakaranas ng insomnia.

Ang “sleepy” hand and body lotion na inilabas ng Lush company na kung saan siguradong makakatulog ka kapag inapply mo ito.

Nabatid kasi na mayroong mga ingredients ng cocoa butter, oatmeal body lotion, lavander oil, tonka, at ylang ylang oil ang nasabing lotion na siyang nagiging dahilan para ikaw ay antukin.


Dumaan din ito sa masusing pagsusuri para masigurong wala itong anumang negative reactions sa katawan.

Mabibili ang nasabing lotion sa halagang $10.00 (P514.00) na pwedeng ma-order via online.

Facebook Comments