Nakatakdang tumungo sa Kuwait sa unang linggo ng Pebrero ang grupo nina Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III para makipag-usap sa gobyerno nito.
Ayon kay Bello, isusulong nila sa pamahalaan ng kuwait ang pagkakaroon ng standard employment contract.
Kung hindi kasi aniya maipapatupad ito sa mga Filipino workers ay hindi mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng ofw na si Jeanalyn Villavende.
Kasabay nito, nanindigan naman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi tatanggalin ang total deployment ban para sa mga manggagawang pinoy sa Kuwait.
Giit ni Panelo. hangga’t ipinapatupad ang kasunduan sa Memorandum of Agreement para sa mga manggagawang pinoy sa kuwait at hindi pa naiimplementa ang Memorandum of Agreement (MOA), mananatili ang deployment ban.