Grupong BAN Toxics, umapela sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng mga glitters ngayong Kapaskuhan

Nagbabala sa publiko ang environmental watchdog na BAN Toxics na mag-ingat sa paggamit ng glitters o makikinang na particles na ginagamit sa mga dekorasyon at mga laruan.

Ayon sa grupo, ngayong panahon ng Kapaskuhan, abala ang lahat sa paglalagay ng mga Christmas decoration sa mga tahanan, eskwelahan at mga opisina.

Mapanganib sa kapaligiran at sa kalusugan ang mga glitters dahil itinuturing itong microplastics na lumilikha ng polusyon sa kapaligiran at karagatan.


Kung hindi maiiwasan ng publiko ang paggamit nito, mas makabubuting itapon o ihiwalay ito ng tama.

Nanawagan ang environmental group sa gobyerno na kumilos na dahil nakakabahala na ang plastic pollution sa bansa.

Facebook Comments