COMELEC, may pinal nang desisyon sa pag-upo bilang gobernador ng bise gobernador ng Albay

Inatasan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bise gobernador ng Albay na umupo bilang gobernador ng lalawigan.

Ito ay bilang kapalit ng inalis na si Noel Rosal.

Nagpalabas ang COMELEC ng Entry of Final Judgment at writ of execution matapos mabigo si Rosal na makakuha ngayong araw ng Temporary Restraining Order sa Supreme Court.


Sinabi ni COMELEC Information Director John Laudiangco na dapat sundin ni Vice Governor Edcel Alexander Lagman ang direktiba ng COMELEC na umupo siya bilang gobernador ng Albay.

Sinabi ni Laudiangco, posibleng maharap sa administrative case si Vice Governor Lagman kung hindi niya susundin ang kautusan ng COMELEC.

Facebook Comments