
Nanawagan ang Bagong Alyansang Makabayan o grupong BAYAN sa mga vendors, magsasaka, manggagawa, at iba pang oppressed sectors, na lumahok sa ikakasa nilang kilos-protesta para tutulan ang pagpunta ni United States President Donald Trump sa Pilipinas, sa nalalapit na ASEAN Summit 2026.
Mariing kinundina ng grupo ang umano’y “Imeldific-style” whitewash o cleanup drive ng administrasyong Marcos, sa mga street vendor na pansamantalang hindi makakapaghanapbuhay sa mga lugar na malapit sa pagdarausan ng ASEAN Summit.
Ayon kay Bayan Secretary General Raymond Palatino, hindi maitatago sa mga dayuhan ng anumang pintura, malinis na sidewalk, at iba pa, ang mga insidente ng pagkagutom at kawalan ng trabaho ng mga Pilipino na umano’y hindi natutugunan ng gobyerno.
Binigyang diin din ng grupo, na ang mga transnational corporations at imperyalista ang makikinabang sa ASEAN Summit at hindi ang mga Pilipino, lalo’t saklaw ng mga mapagkakasunduan dito ay banta sa kabuhayan ng mga Pilipino gaya ng pagtatayo ng Pax Silicaz.










