Thursday, April 9, 2026

Grupong Bayan, nagkasa ng kilos-protesta sa Maybika kasabay ng Araw ng Kagitingan

Muling nagkasa ng kilos protesta ang grupong Bagong Alyansang Makabayan sa lungsod ng Maynila kasabay ng Araw ng Kagitingan.

Partikular sa bahagi ng Kalaw Avenue kung saan nag-martsa sila patungong US Embassy.

Mariing kinokondena ng grupo ang naging marahas na hakbang ng Amerika at Israel kontra sa Iran.

Bitbit ng mga nagkikilos protesta ang mga litrato nina US President Donald Trump at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu para sunugin sa publiko.

Kasama ng grupong Bayan ang iba’t-ibang transport groups at consumers group na apektado ng pagtaas ng produktong petrolyo bunsod ng ginwang pag-atake ng Amerika sa Iran.

Bukod dito, muli nilang hiling na patalsikin na ang mga tropa ng Amerikano na nakabase sa bansa at itigil na ang Balikatan exercises.

Giit nila, hindi dapat idamay ng Amerika ang Pilipinas sa mga gulo o giyera na kinasasangkutan nito.

Facebook Comments