Grupong Bayan, umaasa na sisipot si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ngayong araw sa kanyang ‘commute challenge’

146

Umaasa ang grupong Bayan na sisiputin sila ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo para sa ‘commute challenge’ ngayong araw.

Hiling ni Bayan Secretary General Renato Reyes, dapat walang ‘hawi-boys’ o bodyguard si Panelo at rush hour dapat siyang sumakay para maranasan niya ang kalbaryong dinaranas ng mga ordinaryong Pilipino.


Sa kasagsagan ng rush hour din dapat sumakay si Panelo.

Ngayong nasa kanya na ang atensyon ng Malacañan, gusto ni Reyes na gamitin ang pagkakataon na makausap si Panelo para talakayin  ang mga problema sa mass transport system.

Nag-trending ito online kung saan mayroong #teamsal para sa mga papanig kay Panelo habang #teamnato para kay Reyes.

Facebook Comments

From Advertisers