Grupong Federation of Free Workers suportado ang pagpapatuloy ng Diplomatic Protest laban panghihimasok ng China sa West Philippine Sea

Nagpahayag ng pagsuporta ang grupong Federation of Free Workers (FFW) sa pagsasampa kamakailan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China kaugnay sa usapin ng maritime incidents sa Ayungin Shoal kung saan sakop ito ng Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ) at continental shelf.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula kamakailan ay isang Chinese Coast Guard vessels nanghaharass sa Philippine at Taiwanese vessels na nasasakupan ng Philippine Exclusive Economic Zone sa tatlong magkahiwalay na insidente sa buwan ng March at April ngayon taon.

Paliwanag ni Atty. Matula sa paggunita sa ika 124th Independence Day ng ating bansa kahapon kung sana ay ginugunita umano ng mga Filipino na nanindigan upang manawagan na maging patriyotismo at nasyunalismo sa lahat ng karunungan,tapang at lakas para ipagtanggol ang ating kalayaan at soberenya bilang isang Nasyon.


Binigyang diin pa ni Matula na dapat hindi masayang ang mga sakripisyo ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay makamtan lamang ang ating tunay na kalayaan.

Matatandaan na noong nakaraang taon ipinoprotesta rin ang presensya ng 287 barkonng China sa West Philippine Sea, kung saan iminungkahi nila kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ipagpatuloy ang panawagan sa Komunidad ng buong mundo sa paulit ulit na paglabag ng China sa United Nation Convention of the Law of the Sea o (UNCLOS), kung saan parehong signatories nag Pilipinas at China.

Dagdag pa ni Matula na ang bagong protesta ng Pilipinas sa China ay iginiit sa buong kundo na ang China ay patuloy na binabalewala at lumalabag sa napagkasunduang batas.

Facebook Comments