Isang binata at isang construction worker arestado sa magkahiwalay na lugar sa Iligal na droga sa Pasig City

62

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasig City Police Station ang isang binata at isang construction worker sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City.

Unang naaresto sa isinagawang buy bust operation ay nakilalang si Jon Kerwin Bartolo 36 anyos binata at residente ng No.3 Lanzones St., Brgy. Kalawaan Pasig City.

Nakumpiska sa binata ang mahigit 3 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱20,400 sa Lanzones St. Brgy. Kalawaan Pasig City.


Habang si Dennis Masanque 56 anyos construction worker at residente ng No. 1425 Greenfield Rocha Compound, Brgy. Rosario, Pasig City ay naaresto rin sa naturang makaraang magpalabas ng Search Warrant si Hon. Danilo S. Cruz, Executive Judge ng RTC Branch 152 kung saan nakumpiska sa kanya ang himigit kumulang 5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱34,000.

Kapawa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 nag kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments