Tatlo, arestado sa iligal na sugal sa Maynila

27

Kalaboso ang tatlong kalalakihan matapos mahuli sa akto na iligal na nagsusugal sa lungsod ng Maynila.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina John Paul de Guzman na residente ng San Juan City; Albert Versoza at Mark Anthony Gonzalez na kapwa nakatira sa Sampaloc.

Nasakote ang tatlo sa may bahagi ng Legarda Street na sakop ng Brgy.410 habang nagkakara-krus.


Ito’y matapos na ikasa ng Manila Police District (MPD) Station-14 ang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation.

Nakumpiska sa kanilang ang tatlong barya na ginagamit sa iligal na sugal at perang pamusta na aabot sa ₱700.

Facebook Comments