Grupong Kadamay, sumugod sa tanggapan ng National Housing Authority

Manila, Philippines – Sumugod na naman sa tanggapan ng National Housing Authority ang grupong Kadamay upang kalampagin ang mga opisyal ng naturang ahensya ang kanilang panawagan na itigil na ang pambobomba ng mga militar sa Marawi City.

Ayon kay Kadamay Chairperson Gloria ” Ka Bea” Arellano bukod sa panawagan na itigil na ang pambobomba sa Marawi City kahilingin din ng grupo ang panawagan na ipamahagi ang mga bakanteng na hindi natitirahan ng mga sundalo at pulis.

Paliwanag ni Arellano dapat pagtuunan din ng pansin ng gobyerno ang mga miyembro nila na nakatira sa Pandi Bulacan na wala pang tubig at kuryente kayat nahihirapan umano ang kanilang mga miyembro na umigib ng tubig sa malayong lugar.


Umaasa ang grupo na pakikinggan ni pangulong Duterte ang kanilang mga kahilingan dahil naniniwala sila na proyoridad ng pangulo na mabigyan mg pabahay ang mga mahihirap na Filipino na walang sariling bahay.

Facebook Comments