Philippine team, patungo na ng France para lumahok SA FIBA 3X3 World Cup

Manila, Philippines – Biyahe na papuntang France ang national team ng Pilipinas para sa gaganaping FIBA 3×3 World Cup na magsisimula sa June 17-21.

Tatlong linggo din nag-practice ang mga players na sina Kobe Paras, Jeron Teng, Kiefer Ravena at Jr. QuiƱahan para sa nasabing event.

Ganado na din ngayon si Paras dahil itinuturing nang olympic sport ang 3×3 basketball na matagal na niyang nilalaro bilang bahaigi ng national squad.


Kumpiyansa naman si Coach Eric Altamirano na masusungkit ng bansa ang panalo kahit pa na maga bata pa ang mga ito pero multi-talented naman ang bawat isa.

Makakaharap ng Pilipinas ang Romanian sa first game na susundan ng team ng France sa darating na linggo habang sa martes ay makakatapat nila ang slovania at El Salvador.
Photo from: FIBA.com

Facebook Comments