Umagaw sa eksena sa proklamasyon nila President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte ang grupong Makabayan.
Habang pinagbobotohan ang Resolution of Both Houses number 1 para sa proklamasyon kina Marcos at Duterte bilang susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng bansa ay biglang may sumigaw ng malakas na “Nay” o pagtutol.
Ayon kay House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, sila sa grupong Makabayan ang sumigaw ng pagtutol dahil ayaw nilang purihin ang papasok na mala-diktaturyang rehimeng Marcos-Duterte tandem.
Matapang ding sinabi ni Zarate na ito ang kanyang paglalarawan sa bagong administrasyon dahil ito ang tunay na kumakatawan sa nakalipas na pamumuno ng kanilang pinagmulan, ang diktaturya at malupit na pamamahala.
Matapos ang pagsigaw ng “Nay” ay nag-walk out din ang grupo.
Magkagayunman, naging matagumpay at maayos ang proklamasyon nina Marcos at Duterte.