Manila, Philippines – Isinusulong ng ilang tagasuporta ni PangulongRodrigo Duterte ang pagkakaroon ng revolutionary government.
Nabatid na ipina-ikot na pinapirma sa mga dumalo sa anti-Robredorally nitong linggo sa Luneta ang papel na naglalaman ng panawagang bumuo si PangulongDuterte ng isang revolutionary government.
Kabilang sa mga kundisyon na nakasaad dito ay ang pagpapawalangbisa ng 1987 constitution at muling pagtatatag ng 1973 constitution kung saanibabase ang mga bubuhuing batas.
Ikalawa ang pagtatatag ng federal form of government na naangkopsa pangangailangan ng bansa.
Ikatlo ang pagsugpo sa korapsyon at pagbawi sa tago at nakaw nayaman sa kaban ng bayan.
At ang ikaapat ay ang pagpuksa sa mga sindikato ng ilegal nadroga at iba pang krimen.
Ayon kay Duterte Alliance of Volunteers Artist Organizations (DAVAO)movement organizer Jimmy Bondoc – bagamat isinusulong nila ang ganitong klasenggobyerno at federalismo ay hindi malinaw kung sino ang nasa likod ng kumalat napapel.
Pero ayon kay Integrated Bar of the Philippines NationalPresident Rosario Setias-Reyes – wala rin aniya siyang nakikitang dahilan paramagkaroon ng revolutionary government ngayon.
Nabatid na ang revolutionary government ay huling itinatag noong1986 EDSA people power revolution.