Grupong MNLF, handang magpadala ng libo-libong tropa sa Marawi City kontra Maute

General Santos, Philippines – Bukas ang grupong Moro National Liberation Front ( MNLF) para sa planong pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang panibagong military division para sa tuluyang pagpulbos ng Maute Group na naghasik ngayon ng kaguluhan sa Marawi City.

Ito ang naging tugon ni MNLF Spokesman Atty. Emmnanuel Fontanilla, sa naging panayam nito sa RMN –DXMD Gensan.

Aniya na masaya sila sa magiging hakbang ng pangulo at makiisa para maibalik ang kapayapaan sa Marawi City na naging dahilan kung bakit naideklara ilalim sa batas military ang Mindanao.


Una ng binatikos ni Atty. Fontanilla ang ginawang pananakop ng Maute at pagpatay sa mga sibilyang Muslims sa nasabing bayan.

Handa umanong magpadala ng libo-libung tropa ang MNLF na maging katulong ng militar kontra Maute.

DZXL558, *Bryan Onyate*

Facebook Comments