Kakaiba at unique na wedding ceremony kung saan dadaan muna sa pagsubok ang groom at bride, patok na patok ngayon sa Spain

Manila, Philippines – Isang kakaiba at unique na wedding ceremony ang inaalok ng isang kumpaniya kung saan dadaan muna sa pagsubok ang magsing-irog bago magsimula ang kanilang kasal.

Ipinapakilala ng kumpaniyang *Wedding Glass* ang “the crystals of love”, sa ilalim ng wedding package na ito, sa halip na sa aisle maglalakad, dadaan muna ang bride at groom sa mga basag na bote.

Ayon kasi sa nasabing kumpaniya, isa daw itong paraan upang malaman kung gaano niyo kamahal ang isa’t-isa at isang paghahanda na din sa buhay may asawa.


Isa din daw itong paraan para mas lalong lumaki ang tiwala ng mag-partners sa isa’t-isa kung saan nakatingin lamang sila sa bawat isa habang naglalakad.

Fulfillment naman daw ang mararamdaman ng mga ikakasal sa oras na magkasama na sila at nakaharap sa dambana.
Photo from: odditycentral.com

DZXL558

Facebook Comments