Grupong nagkakalat ng fake news sa SEA Games, tukoy na nila Speaker Cayetano

Nagbabala si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga nagkakalat ng pekeng balita sa 30th SEA Games.

 

Ayon kay Cayetano, tukoy na nila ang grupo na nagkakalat ng pekeng balita sa website laban sa SEA Games.

 

Itinanggi naman ni Cayetano na galing sa lehitimong media ang nagpapakalat ng fake news pero may grupong kumikilos para magbayad at siraan ang sporting event gamit ang mga anonymous websites.


 

Aniya wala namang problema sa mga balita basta ito ay totoo at hindi pananabotahe ang layunin.

 

Isa aniya ang mga ito sa posibleng imbestigahan sa oras na matapos ang SEA Games.

 

Tiniyak naman ni Cayetano na hindi niya iiwasan ang anumang imbestigasyon na gagawin dito.

 

Sinabi ni Cayetano, kung may mga ihahaing reklamo ay hindi siya magtatago at haharapin niya ito.

 

Hindi rin niya idadamay dito ang ibang mga PHISGOC officials at nakahanda niyang sagutin ang mga anomalyang ibinabato sa SEA Games.

Facebook Comments