GRUPONG NAKA ENGKWENTRO NG PNP RAMON, DATING BILANGGO SA PANGASINAN PROVINCIAL JAIL!

Attachments area
Dating bilanggo ng Pangasinan Provincial Jail ang mga miyembro ng pinaniniwalaang organized robber/hold up group na nakasagupa ng mga kasapi ng Ramon Municipal Police Station.

Ito ang pinakahuling report na nakalap ng 98.5 iFM Cauayan City. Batay sa pinakahuling resulta ng imbestigasyon ng Isabela Police Provincial Office, ang apat na suspek ay dating nakakulong sa Pangasinan dahil patung patong na kaso. Si Alyas Cris na isa sa agad na namatay sa engkwentro ang tumatayong lider ng grupo.

Nakatutok ngayon ang mga imbestigador sa angulong sino ang mas malaking grupong nasa likod nito na nagsisilbing financier. Napag alaman pa na tumatanggap ang bawat miyembro ng apat na libo bilang allowance sa bawat labas nila. Ayon pa sa impormasyon, sa isang araw, ay umaabot sa limang lakad ng mga ito. Isa sa mga naging lakad ng mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakahuli ay ang pag hold up kay Lorena Carag, 41 anyos secretary ng RPF construction at residente ng Centro Solana, Cagayan sa parking area ng St. Peter Metropolitan Cathedral, Tuguegarao City. Natangay sa biktimang titutukan ng baril ang kanyang bag na naglalaman ng umaabot sa Php 10,000, cellphone, ATM at Identification card.


Samantala, sa pinakahuling nakuhang impormasyon kay Capt Abdel Aziz, Maximo, hepe ng Ramon Police Station, kinilala ang mga suspek na sina Cristobal Cristobal alyas Cris na taga-Alaminos City, Pangasinan na siyang pinaka pinuno ng apat. Si Alden Francis Regundique, 33-anyos, residente ng P2C3, Lot 1, Kaalinsabay Road, Karangalan, Vill Manggahan, Pasig City. Batay sa mga narekober na dokumento, siya ay mayroon pang tinitirahan sa Kabanglutan, San Juan, Ilocos Sur. Si alyas Cris ay dead on the spot samantalang si Regundique na unang nagpakilalang si Edmar de Castro ay binawian ng buhay habang ginagamot sa isang hospital sa Santiago City. Naaresto si Jayson Saringan, residente ng Barangay Baknono, Bayambang, Pangasinan at inaalam pa ang tunay pagkakilanlan ng nakatakas. Sa ngayon ay kasalukuyan ang manhunt operation laban sa kanya.

Nakuha sa loob ng sasakyang Toyota Innova na kulay pula na may temporary plate number YU0 778, conduction sticker YV 6688 at isang Honda TMX 125 na walang plaka na gamit ng mga suspek ang isang M16 Armalite rifle na may serial number na 973985, 8 magazine nito na puno ng bala, tatlong 45 caliber magazine at bala, ATM, 3ibat-ibang ID, cellphones, pera, wallet kanilang mga personal na kagamitan.

napatay dinsa nasabing labanan si PSSgt. Richard Gumarang miyembro ng Intelligence Branch ng Ramon Police Station.

tag: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, PNP Ramon, IPPO, engkwentro, pnp region 2, P/Brigadier General Jose Mario Espino, gumarang engkwentro

Facebook Comments