
Nagsagawa ng programa at misa ang grupo na nananawagan na baguhin ang sistema ng nalalapit na halalan.
Pinangunahan ito ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Eliseo Rio na iginigiit ang paggamit ng hybrid na sistema para sa 2025 Midterm Elections.
Nais ni Rio na gawing manual ang bilangan ng boto sa presinto upang masigurong lehitimong mabibilang at hi1di umano boto na nakadikta sa makina.
Hindi na rin kailangan amyendahan ang batas sa eleksyon dahil hindi naman binanggit kung full automation ang dapat isagawang botohan.
Sumama si Rio sa kilos-protesta sa labas ng tanggapan ng Comelec dito sa Intramuros.
Ginugunita rin nila ang 1986 Snap Elections kung saan nag-walk out ang ilang Comelec tabulators dahil sa iba umano ang bilang ng boto kumpara sa lumalabas noon sa canvassing.