Mas marami pang mga Pinoy sa Lebanon, nakatakdang i-repatriate —DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW)-Migrant Workers’ Office na malaking bilang ng Pinoy repatriates mula Lebanon ang nakatakdang umuwi ng bansa.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon sa DMW, ilang batch ang paunang darating sa bansa ngayong linggong ito.


Kabilang sa darating sa bansa ang 52 Overseas Filipino Workers (OFWs) at isang dependent na sasalubungin nila ngayosng araw.

Bukas, February 11, 79 OFWs at 8 dependents naman ang darating sa bansa.

Sila ay pawang pansamantalang nanirahan sa shelter sa Beirut matapons na ilikas sa kasagsagan ng kaguluhan.

Facebook Comments