Grupong Pamalakaya, pinasusupinde ang ‘no-sail zone’ sa Zambales sa gitna ng isinasagawang war games

Ipinasususpinde ng progressive fisherfolk group na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang ipinatutupad na “no-sail zone” sa Zambales sa harap na rin ng joint military training sa pagitan ng Pilipinas at United States.

Ilang baybayin sa Zambales ang sakop ng no-sail zone simula April 25 hanggang 27 para bigyang daan ang Balikatan Exercises na nagsimula noong April 11.

Ayon sa grupo, hindi dapat pagbawalan ang mga mangingisda na pumalaot lalo na’t peak fishing season na ngayon.


Giit ng Pamalakaya, hindi sapat ang ipinangakong ayuda ng pamahalaan para maitawid ng mga mangingisda ang pang araw-araw na pangangailangan lalo na ang pagbili ng pagkain.

Wala rin umanong mabubuting idudulot ang war games bagkus ay itutulak nito ang bansa sa isang digmaan.

Facebook Comments