Grupong PAMALAKAYA, hinamon ang BFAR na ihinto ang fish importation sa halip na pag-initan ang mga maliliit na manininda ng isda

Iginiit ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa Bureau of Fisheries and Aquatic (BFAR) resources na ihinto na ang fish importation sa halip na pagbawalan ang mga maliliit na nagtitinda ng isda na magbenta ng mga imported na isda.

Tugon ito ng PAMALAKAYA sa inanunsyo ng BFAR na kukumpiskahin na ang mga imported pampano at pink salmon sa mga lokal na pamilihan simula sa December 4.

Ayon sa grupo, kung wala ang polisiyang pag-i-import ng isda ay walang makakarating na imported na isda sa mga wet market.


Binigyan diin ng PAMALAKAYA na kahit ipagbawal ang imported pampano at pink salmon, bumabaha pa rin sa mga lokal na pamilihan ang imported galunggong.

Facebook Comments