Forensic expert Dr. Raquel Fortun, tutulong sa pagtukoy ng mga nahukay na kalansay sa DOJ

Kinumpirma ni Justice Spokesman Mico Clavano na lumalabas na sa tatlo katao ang mga natagpuang kalansay sa construction site sa compound ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura, Maynila.

Kaugnay nito, tumutulong na rin si forensic expert Dr. Raquel Fortun sa pagkilala sa mga kalansay.

Personal na nagtungo si Fortun sa DOJ para tukuyin din ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima at kung gaano na ito katagal na namatay.


Sinabi ni Clavano na kahit isang bungo lamang ang nakuha, maraming “fragments” na narekober.

Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang paghuhukay para sa itinatayong gusali sa DOJ kung saan nahukay ang mga kalansay.

Facebook Comments