Wednesday, March 18, 2026

Grupong PISTON, dismayado sa pagbawi ni PBBM sa dagdag pasahe

Dismayado ang grupong PISTON sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na na bawiin ang fare hike.

Sa panayam ng DZXL News, sinabi ni Ka Mody Floranda, National President ng Piston, naipagkait umano sa mga jeepney driver ang dagdag sanang kikitain na ₱250 kada araw.

Malaking tulong na aniya sana ito sa harap na rin ng sunod-sunod na malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo .

Ani Floranda, ang desisyon ng pangulo ay patunay lang na sa loob ng kaniyang economic team ay may banggaan ng pananaw.

Nakakalungkot aniya na pagdating sa mga ordinaryong tao, napakadali lang bawiin ang kaunting hirit samantalang kung mga malalaking negosyante na ang masasaktan ay pinapakiusapan ang publiko na magtiis ng kaunti.

Giit ni Floranda, tuloy-tuloy ang nakakasang tigil pasada bukas at sa susunod na mga araw upang ipanawagan ang pagbasura sa Oil Deregulation Law.

Facebook Comments