Manila, Philippines – Humirit ang Government Service Insurance System (GSIS) kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagbigyang itaas ang monthly minimum basic pension.
Gusto ng ahensya na dagdagan ng isang libong piso ang makukuhang minimum pension ng mga retiradong kawani ng gobyerno.
Ibig sabihin, mula sa limang libong piso ay magiging anim na libong piso na ang monthly contribution ng mga miyembro ng GSIS.
Ayon kay GSIS President and General Manager, Atty. Jesus Clint Aranas na ang dagdag na isang libong piso ay aprubado ng Board of Trustees.
Kapag pumayag ang Pangulo, 67,201 na senior citizen at person with disability pensioners ng GSIS ang makikinabang nito.
Facebook Comments