High Value Drug Target sa Tuguegarao City, Timbog!

*Tuguegarao City- *Bagsak sa kulungan ang isang tulak ng droga matapos itong kumagat sa ikinasang drug buybust operation ng mga alagad ng batas sa syudad ng Tuguegarao sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, Cagayan Police Provincial Office at Tuguegarao City Police Station.

Kinilala ang suspek sa pangalang Angelo Accad, 31 taong gulang, isang negosyante at residente ng Tuguegarao City.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, natimbog si Accad sa Don Domingo Public Market ng nasabing syudad kung saan naaktuhan ng nagpanggap na poseur buyer si Accad na nagbebenta ito ng ipinagbabawal na gamot.


Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang cellphone at isang libong piso na ginamit bilang buybust money.

Ayon naman sa mga awtoridad, si Accad ay bagong tukoy na pinaghihinalaang tulak ng droga sa kalungsuran.

Kinasuhan na ngayong araw ng Martes si Accad bilang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Facebook Comments