Guard Lou Williams, nanguna sa paglampaso ng Clippers sa Celtics

Kasabay ng paglampaso ng Los Angeles Clippers sa Boston Celtics. itinanghal din si Lou Williams bilang career bench leader ng NBA.

 

Nahigitan na kasi ni Williams si Dell Curry makaraang tumipa ng 34 points sa loob lang ng 23 minuto.

 

Nagtapos naman ang laro ng Clippers at Celtics sa iskor na 140-115.


 

Dinagdagan ni Danilo Gallinari ng 25 points at 20 points naman mula kay Montrezl Harrell ang naiposteng puntos ni Curry.

 

Nanguna naman sa Celtics si Terry Rozier na tumipa ng 26 points gayundin ang 22 points ni Jaylen Brown.

Facebook Comments