Idinaan na lang sa biro ni Ethel Booba ang reaksyon tungkol sa talent fee niyang hindi pa nababayaran ng ilang programa sa ABS-CBN.
Batay sa tweet ng komedyante nitong Linggo ng umaga, sinabi niyang “nakakatamad na mag guest sa TV show kasi merong iba dyan mag almost 1 year na di pa ma-claim ang TF sunod meron ding more than 5 months na ata.”
Kaya nakakatamad na mag guest sa TV show kasi merong iba dyan mag almost 1 year na di pa ma-claim ang TF sunod meron ding more than 5 months na ata. Sa skype na lang talaga ako magshow C2C. Astig sa astig lang. Charot!
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) September 22, 2019
Hirit pa ng celebrity, “Sa skype na lang talaga ako magshow C2C. Astig sa astig lang. Charot!”
Tinanong naman ng isang netizen si Ethel kung saan siyang programa naging guest noon.
Di mo kayang mag name drop ng show mamah?
— S T E F F I (@SteffiLicheon) September 22, 2019
Diretsahang sinagot ni Ethel na may utang pa sa kaniya ang game show na ‘Minute To Win It’.
Minute To Win It. Ilang minutes ako nag-antay sa bangko wala pa din pala eh mag 1 year na. Charot! https://t.co/GRiEap5dnU
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) September 22, 2019
Makalipas ang ilang oras, tumugon sa tweet ni Ethel ang host ng nasabing game show na si Luis Manzano.
Pa check ko Ethel! 👍🏻👍🏻 https://t.co/V5PDz0KhpH
— Luis Manzano (@luckymanzano) September 23, 2019
Nagpasalamat naman ang sexy comedian sa tinulong na ibinigay ni Manzano.
Samantala, sumagot din si Ethel sa reply ng isa niyang follower na binanggit ang pangalan ni Vice Ganda at programa niyang ‘Gandang Gabi Vice’.
“Actually may guesting pa ako sa GGV na di pa din nabibigay ang TF until now. Charot!.”
Actually may guesting pa ako sa GGV na di pa din nabibigay ang TF until now. Charot! https://t.co/chHC90getD
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) September 23, 2019
Gayunpaman, inihayag niyang nakipag-ugnayan na sa kaniya ang staff ng talk show na ‘GGV’.
Okay na with GGV nakausap na at nagkahanapan na ng nawawalang resibo. Charot! https://t.co/llOKmpeZC6
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) September 24, 2019